“Fight Club” | Chapter VI

images

Endo

Dumating ang araw na inaasahan namin. Di na na-extend ang contract ni Jenny. Bagama’t parang ayaw niya rin namang magtagal sa ganoong trabaho, nakakapanghinayang pa rin. Iba pa rin iyong may inaasahan siyang sweldo kada kinsenas. At dahil nga inaasahan na namin ito, pinilit kong makaipon mula sa kinikita ko sa construction. Umekstra din ako sa pagta-tricycle, kina Pareng Boy. Naghahatid ako ng mga magtitinda ng isda sa madaling araw o kaya naman sa gabi ako bumabyahe, pagkatapos niyang gumarahe. Umiwas muna ako sa mga gimik, sa mga inuman (maliban na lang kung libre), mga fiesta.

Nilimitahan ko rin ang pakikipagkita kay Jenny. Minsan nagtampo siya. Napapansin niya daw na di ko na siya madalas binibisita. Di daw siya naniniwala na di ako makapagpaalam sa trabaho. Buti na lang at malapit na matapos ang kontrata niya noon. Saka ko ipinaliwanag ang lahat sa kanya at agad naman niyang naintindihan. Noong last day niya sa trabaho, sinundo ko siya. Sabi ko mamamasyal kami. Kakain sa labas, manunood ng sine. At kung ano pang gusto niyang gawin o puntahan. Napaiyak siya nang sabihin ko ito. Napaiyak siya habang kinakain niya ang special halo-halo na inorder namin. Ang sweet ko daw. Sabi ko naman, mas tatamis pa ba ako d’yan sa kinakain mo. Napatawa siya habang pinupunas ang luha sa mata niya. Tsaka, minsan lang naman ito, dagdag ko. At ayoko na malulungkot siya dahil nawalan siya ng trabaho.

Pagkatapos ay namasyal kami. Pumunta kami sa Cagsawa Ruins. Noong pauwi na kami, ikunuwento ko sa kanya ang kwento sa akin ng Lolo ko tungkol sa Cagsawa. Sabi ng Lolo, sumasabog daw noon ang bulkan. At ang simbahan sa Cagsawa ang ginawang evacuation center ng mga tao. Pero sa muling pagsabog ng bulkan, mas malakas ang pagsabog nito at natabunan ng lava pati ang simbahan kasama ang mga tao sa loob nito. Di ko namalayan na nakatulog na pala si Jenny sa tabi ko. Tinulugan niya iyong kwento ko.

Malapit nang mag alas-diyes nang makarating kami sa bahay ng tita niya. At dahil wala na rin akong masasakyan pauwi, doon na daw ako matulog sabi ng tita niya. Pero kung okay lang daw na sa sala ako matutulog. Sabi ko wala pong problema, sanay ako matulog sa sofa. Pag dating ng 10:30 umakyat na sa kani-kanilang kwarto ang mga pinsan ni Jenny. Naiwan kaming tatlo ng tita niya na nanunood ng TV. Maya-maya pa ay nagpaalam na rin si Jenny at inaantok na daw siya. Pagkaakyat ni Jenny, umakyat na rin ang tita niya. Pasensya na daw at wala silang guest room, pagtiyagaan ko na daw muna iyong lumang sofa nila. Sabi ko naman okey lang. Humiga ako sa sofa at nagpa-antok sa TV. Nilipat ko ang channel. Kung anu-ano. Lipat lang nang lipat. Naghanap ng mapapanood hanggang antukin ako at makatulog.

“Fight Club” | Chapter V

waltz

Supermall

Balita na kinaumagahan ang nangyari kanina. Nasunog nga ang public market sa bayan. Malapit lang sa pinapasukang Shopping Center ni Jenny. Masyado na daw malaki ang apoy nang may nakapansin dito. Di na nakuha pang apulahin ang apoy, di na naisalba ang mga produktong nakaimbak dito. Sako-sakong bigas, asukal, mga pang rekado, mga RTW na damit, mga tela sa tahian, at kung anu-ano pa. Ang sabi-sabi, sadya daw na sinunog ang palengke. Planado daw ito. Imposible daw na walang nakapansin agad kung aksidente ang sanhi ng sunog. Lagi daw may mga taong naiiwan sa paligid ng palengke kahit ganoong oras. Kahina-hinala din daw na mabilis agad kumalat ang apoy. Ang sabi pa, hindi lang daw isa ang pinagmulan ng sunog. Talagang naka-disenyo ang plano para masunog talaga ng buo ang public market.

Ang tanong, bakit? Ang sabi, para mapalitan ng bagong building na may moderno at bagong facilidad. Hindi na rin daw kasi safe ang lumang building ganoon ang disenyo nito. Pero hindi nangangahulugan na magiging libre ang bagong palengke para sa mga dati nang may pwesto sa dito. Hindi ito pabor sa mga maliliit na negosyanteng may pwesto na sa lumang palengke. Kasi naman, tataas daw ang renta, at tiyak na ang malalaking mga kapitalista ang mas makikinabang. Mas makokontrol din ng City Hall ang negosyo sa palengke. Kung dati may boses ang asosasyon ng mga manininda at mamimili, ngayon balik lahat sa zero. Umpisa ulit. At mga vendors ang kailangang sumunod sa mga patakaran na ipapatupad ng City Hall, na papabor naman sa malalaking negosyante. Isa ring angulo na tinitingnan ang pagkakahalal ng bagong mayor noong nakaraang taon. Iyong mga sumuporta daw kay Meyor ang makikinabang sa bagong palengke.

Gigibain na daw ang kung anumang natira sa lumang gusali. Gaano ito katotoo? Pagdating ko sa bahay, nakita ko sa TV ang Presidente. Dinalaw agad nito ang nasunog na palengke. Nagbitiw ng salita ang pangulo ng bansa na papalitan ng bago ang nasunog na palengke. Isang Bagong Supermarket ang uusbong. Moderno at safe. Mas malinis, mas conveniente. Tapos, umalis ang pangulo sakay ng helicopter.

Kinumusta ko si Jenny sa trabaho niya. Sumagot lang siya sa text ko noong bandang alas-dos na. Lunch break pa lang daw nila. Sobrang dami din daw ng taong namimili. Iyong dati na sa palengke namimili, sa shopping center na rin pumunta. Ihing-ihi na nga ako kanina pa, sabi pa nito.

***

Matagal nang nagtitinda sa palengke si Manay Fely. Mahigit sampung taon na siyang nagrerenta sa isang pwesto sa second floor. Mga gulay ang paninda niya, kung hindi galing sa kalapit bayan ang mga gulay, galing ito sa bundok. Okra, sitaw, kalabasa, ampalaya, at bell pepper ang karaniwang tinda niya. Meron din siyang sibuyas at bawang. Meron ding pamintang buo at pamintang durog na naka-repacked na maliliit na plastic at naka-staple sa isang pirasong karton. Ito rin ang binibili ng mga may sari-sari store sa amin tulad ni Aling Lita. Ipagbebenta naman nila ito ng 0.50 ang isang pack na pagkakasyahin naman ni Mama sa isa hanggang tatlong lutuan. Depende rin kung ano ang lulutuin. Isang pack agad ng buong paminta kung pesang langka ang lulutuin para maanghang ang sabaw. Tapos isasawsaw sa bagoong ang malabot na hiwa ng langka. Kung adobong 1/4 kilo ng baboy naman—na hiniwa ng maninipis at maliliit na gayat—syempre para tipid sa ulam—kasya sa dalawang lutuan ang isang pack. Pwede rin lagyan ng sili para tipid na sa paminta. Pero noong minsan umangal na si Kuya. Mahapdi daw sa puwet tuwing nagbabawas. Kaya ang nangyari, kanya-kanya na lang kami sa paglalagay ng sili sa adobo o sa kung anumang ulam.

Minsan sinamahan ko si Jenny mamili sa palengke at doon kami pumunta kina Manay Fely. Sabi ko bakit di na lang siya sa shopping center namili, hassle din kasi umakyat-akyat sa nanglilimahid na hagdanan sa palengke. Suki daw kasi doon si Tita Mely. At bilin na doon siya bumili. Bibili dapat kami ng patatas at sibuyas. Isang kilong patatas at 1/4 kilo ng sibuyas. Bakit patatas at sibuya ‘ka mo? Panghalo syempre sa corned beef, na babaunin naman sa school ng mga anak ni Tita Mely. Pero walang patatas kina Manay Fely kaya sibuyas lang ang binili namin. Eh, bakit daw sibuyas lang, tanong ni Manay habang kumukuha ng perang panukli sa bulsa ng suot niyang apron. Puro sibuyas? Eh, pampatigas ‘yan, dagdag pa nito. Nagpipigil namang nakangiti ang dalagitang tindera habang inaabot sa akin ang isang plastic ng sibuyas. Okay lang po, sabi ko, bibili din ako doon ng papaya, sabay turo sa prutasan sa kabilang dulo. Napatawa si Jenny at siniko ako sa tagiliran. O siya sige, kakain ka rin ng pangontra ha, sabay turo kay Jenny, tawang-tawa sa’yo ang girlfriend mo eh. At lumipat kami sa karatig na tindahan kung saan merong tindang patatas.

Makalipas ang ilang araw matapos ang sunog, naikwento sa akin ni Jenny ang tungkol kay Manay Fely. Sobrang sama daw ng loob nito. Sobrang lungkot. Tumaas daw ang presyon nito noong nalaman nito ang nangyari. Pumunta pa siya sa palengke noong umaga ding iyon, kasama ang anak niyang lalaki, nagbabaka sakaling may maisalba pa sa mga iniwan nilang paninda. Pero puro usok na lang ang inabutan nila. At mga taong nag uusyoso, mga pulis, bumbero, mga news reporter sa TV, sa radyo, at mga tao na tumulong sa pag apula ng sunog.

Napansin sina Manay Fely ng ilang reporter. Nalaman na isa sila sa may mga pwesto sa naturang palengke at tinangka silang interviewhin. May reporter daw nagtanong kung anong nararamdaman ni Manay Fely sa mga pagkakataong iyon. Hindi nakapagtimpi si Manay Fely, sinunggaban niya ang katabi nitong cameraman, hinablot ang camera at ihinambalos sa reporter.

Ipinagtanong ko sa amin kung naipalabas ba sa TV ang insidenteng iyon. Wala daw ipinalabas na interview sa isang tindera. Pero may isang radio station sa AM ang nakapagbalita sa nangyari. May reporter daw na binugbog ng tindera. Hindi ko na nalaman ang pangalan ng reporter, kung sa radyo ba siya o sa TV at kung saang network siya. Isinugod naman sa hospital si Manay Fely pagkatapos. Pero inilabas din siya noong araw ding iyon nang naging normal na ang BP niya.

Wala pang isang buwan tuluyan nang giniba ang nasunog na palengke. At sinimulan na ring itayo ang bagong building na kapalit nito. Nilipat naman ang pwesto ng mga magtitinda sa isang bakanteng lote malayo sa sentro ng bayan. Doon din inilipat ang estasyon at paradahan ng mga jeep at tricycle. Kanya-kanyang papag ang mga tindera ng gulay. Sa bandang dulo, doon nakapwesto ang mga isda at karne. Meron din ilang nagtitinda ng RTW. Pero di na kasing dami tulad ng dati. Siguro, sa mga dating may pwesto, iilan lang ang nakabalik sa pagtitinda. Siguro, iyong iba, napagpasyahang tumigil na. Pwedeng napagod na sila, o pwedeng nalugi. Nawalan ng puhunan para magsimula muli. Habang mabilis na naitatayo ang bagong supermarket, may mga taong tuluyan nang gumuho—ang hanapbuhay, ang negosyo, kasama ang mga pangarap nila. Siguro, pati pangarap ng mga anak nila.

“Fight Club” | Chapter IV

spirit-of-wonder-1655371

Silent Light 🌙

Matagal-tagal na rin akong nakahiga sa tabi ni Jenny at di pa rin makatulog. Di ko mawari pero iba ang tahimik ng gabi. Sinulyapan ko si Jenny; mukhang tulog na. Maaga rin siguro siyang gumising kanina. At pagod din sa trabaho. Halos eksakto lang kami sa maliit na kama niya. Pwede rin sa sahig na lang ako matulog para makahiga siya ng ayos. Pero di pa rin naman ako makatulog. May bagay na bumabagabag sa akin. Sa kabila ng malamig at payapang hangin sa labas tila ba may nagbabadyang panganib.

Nagpalit ng damit si Jenny. Tinanggal niya ang towel at ibinato sa akin. Nakabra lang siya at naka-shorts na pantulog. Nagsuot siya ng maluwang na shirt. Bumalik ako sa baba para mag hilamos. Pinaghalong amoy ng sabon at conditioner ang amoy ng towel. Nakahiga na si Jenny at may hawak na cellphone pag-akyat ko sa room.

– Hihiram ka ba ng damit? Shorts?
– Ok na ako dito. Di naman kasya sa akin shorts mo.
– Kasya ‘yon, se-sexy ka nga lang. Hahaha.
– T-shirt na lang. ‘Yan na lang suot mo. Mukhang kasya tayo d’yan dalawa.
– O sige. O pasok ka na.

Pa-dive akong sumugod sa kama.

– Tulog na tayo.
Tumagilid siya. Nakaharap sa akin.
– O, suot ka na sa shirt ko.
– Mamaya, susuot talaga ako d’yan.
Tumalikod siya sa akin. Niyakap ko siya.
– Nagandahan ka ba sa pinanood natin?
Hindi siya sumagot. Hinigpitan ko pa ang yakap. Hinawakan niya ang kamay ko. Mula sa pagkakayakap, umakyat ang kamay ko sa dibdib niya. Tapos sa puson kung saan ramdam ko ang alab ng katawan niya. Ganoon din sa inner thighs. Nilamas ko ang puwet niya. Hinalikan ko sa may tenga. Sa batok. Nakiliti siya. Hinawakan ko ulit ang boobs, sa ibabaw ng black lace na bra. Noon ko lang napansin na manipis pala ang bra niya, dama ko ang nipples niya.

– Patayin mo na ang ilaw. In-on mo iyong lampshade.

Ini-off ko ang ilaw. In-adjust ko ang cover ng lampshade para di masyadong madilim. Kita ko pa rin ang hubog ng katawan niya sa bahagyang liwanag ng kwarto. Bumalik ako sa kama. Humarap siya sa akin at hinalikan ko siya. Mas matagal kaysa kanina. Mas may effort. At walang pag-aalala na baka may ibang taong makakita. Kinagat kagat niya ang labi ko. Itinaas ko ang shirt niya. Hinalikan ko siya sa tiyan. Dinilaan ang pusod, tapos pataas. Sa dibdib, sa ibabaw ng cup ng lace na bra. Tinikman ko ang isang nipple niya. Sinipsip ko ito habang natatakpan ng bra. Hinawakan niya ako sa ulo at lalong inilapit ang dibdib niya sa mukha ko.

Tumagilid siya upang tanggalin ang kawit ng bra niya. Muli kong sinunggaban ang isang nipple niya nang mahubad ang bra niya. Napaliyad siya. Hinalikan ko ulit siya sa lips. Hinubad ko ang t-shirt niya. Hinalikan ko siya sa leeg, tapos sa boobs ulit. Pinaikutan ko ng halik ang kabilang suso niya, paikot sa kaliwang nipple. Napasabunot siya buhok ko nang hinalikan at sinipsip ko ito. Habang nilalaro naman ng daliri ko ang kabila. Hinila niya pataas ang t-shirt ko. Umupo ako at hinubad ang t-shirt. Pinagmasdan ko siya. Hinubad ko ang pantalon ko at bumalik sa kama.

Hinila ko pababa ang shorts niya. Hindi lace ang panties niya. Hinalikan ko siya mula sa hita, pataas, sa ibabaw ng panties. Tapos sa tiyan ulit, sa underboobs, sa boobs, sa nipples, sa kilikili, sa leeg. Tapos sa lips ulit. Matagal. Gumapang ang kamay ko mula sa suso ni Jenny pababa. Sa tiyan. Sa loob ng panties. Bumaba ang mga labi ko sa leeg niya. Humawak siya sa buhok ko. Sumubsob ako sa dibdib niya habang naglalaro ang kaliwang kamay ko sa loob ng panties niya.

Binitawan niya ang buhok ko at inabot ang brief ko. Ibinaba niya iyon. Gusto kita sa loob, bulong niya. Bumaba ako upang hubarin ang undies niya. Gumuhit ang dila ko mula sa pagitan ng boobs niya, sa tiyan… habang hinuhubo ang panties niya… sa pusod, pababa… sa labi niya, doon ko siya hinalikan. Napasabunot siya sa buhok ko. Pakinig ko ang mga ungol niya habang itinaas ang ibabang bahagi ng katawan niya. Hinila niya ako pataas. Tumigil ako lumuhod sa pagitan ng hita niya.

Naglapat ang kapwa hubad naming katawan. Masuyo ko siyang hinalikan sa labi at pinag-isa namin ang aming mga katawan. Humawak siya sa balikat ko. Maya-maya, hinawakan ko siya sa balakang. Palit tayo, sabi ko. Sumunod naman siya. Umilalim ako at siya naman sa ibabaw.

Habang busy si Jenny ginagawa niya—namin, bigla kong naisip kung safe ba siya. Wala akong suot o dalang kapote. Hindi ko maalala kung kailan siya huling nagkaroon. Bumangon ako at itinukod ang braso sa kama. Hinawakan ko siya sa pisngi at hinalikan. Tuloy pa rin siya sa paggiling. Gusto ko sanang sabihin na teka lang nang biglang kumapit siya sa batok ko at hinila ako pasubsob sa dibdib niya.
– Jen. Te…
– Malapit na, bulong niya. Lalo niyang inilapit ang mukha ko sa dibdib niya.
Lalo pang humigpit ang pagkakayakap niya. Wala na akong ibang nagawa. Hinawakan ko siya sa puwet at sinabayan ang indayog ng katawan niya.
– Ahh… Shit. Ohh… Ohh… Ahh…

Humihingal siya ng binitawan niya ako. Hinalikan niya ako at muling niyakap.
– Safe ka ba, bulong ko.
– Oo. Halos di lumabas ang tinig niya.
– Sure ka?
– Oo sabi. Loko, kinakabahan ka ‘no? nakangiti nitong sabi.

– Gusto mo pa, tanong ko.
– Kaya mo, a… di ka pa tapos? Nauutal at humihingal pa siya.
– Di pa.

Muli niya akong hinalikan.

Hinawakan ko siya sa baywang at sumubsob sa suso niya. Muli siyang kumilos. Habang abala naman ako sa pagsipsip at pagmasahe sa suso niya. Ikaw naman ang gumalaw, sabi niya sa akin. Tinanong ko kung pagod na siya. Kinurot niya lang ako sa tagiliran at umalis sa ibabaw. Nahiga siya sa tabi ko. Balik kami sa dating pwesto. Muli ko siyang hinalikan. Matagal-tagal na kami sa ganoong lagay nang mapansin ko na umiingit ang kama sa tuwing nilalakasan ko. Natakot ako na baka bumigay ang kama at masira. Nag-isip ako ng pwedeng idahilan ni Jenny sa tita niya kung sakali. Inisip ko rin baka pwede ko namang ayusin pagkatapos. Kumapit si Jenny sa braso ko. Bumibilis ang paghinga niya. Mas malakas na din ang ungol niya. Bilisan mo, bulong niya. Binilisan ko, bumilis din ang pag-ingit ng kama. Ahh. Ohh. Shit. Bilisan mo-oh. Shit, mukhang babagsak na. Pero binilisan ko pa rin habang nananalangin na ‘wag sanang bumigay ang hinihigaan namin.

Hah! Hah! Bilisan mo… Humihingal… Bilisan mo, bilisan mo pa… Bilisan mo ang takbo. Humihingal si Boy habang sinasabi ito sa sarili. Humahangos siyang damating sa bahay ni Kapitana. Nasusunog po ang palengke, sabi niya. Inutusan ni Kapitana ang isang tanod na mag-radyo kay Meyor. Alam na daw ng Mayor. Rumesponde na rin daw ng Fire Department papunta sa sunog.

Nagising si Jenny dahil sa ingay sa labas. Bumangon siya, itinakip niya ang kumot sa katawan at tinungo ang bintana. Maraming tao sa labas, nag-uusyoso. Tanaw ang makapal at maitim na usok na nagmumula sa sunog. Tanaw ang palengke mula sa bahay nila. Ginising ako ni Jenny, hinila niya ako patungo sa bintana. Noong una ang akala ko ay biglang dumating ang tita at mga pinsan niya. Dali-dali akong nagbihis. Tingnan mo may sunog, sa may palengke siguro ‘yan. Saka ko lang naunawaan kung anong nangyayari. Tumingin ako sa labas, dinig ko ang sirena ng bumberong aapula sa sunog. Dumikit sa akin si Jenny, niyakap ko siya. Saka ko lang napansin na wala pala siyang damit, simula kagabi pa. Tiningnan ko ang oras, mag-aalas-tres pa lang ng madaling araw.

(Image source: Spirit of Wonder manga)

Pussy Left Handed

cp-barquillos

There is a boy inside
Of his fortress mind
Not a wasted lime

Riding a gliding horse
The dust explodes
A brown mustang

I’ve gotta keep my grip on it
While the half-breeds run the town
I was born to draw my left,
Wear and turn the crown

There is a Sunday sign
That marked the time
Now that it crossed my mind

Help me draw the line
Between yours and mine
The captain’s tight

I’ve gotta keep my grip on it
While I’m burning on the sides
I was burnt to draw with my left,
Aim, return the fire

Heads down, I falling out
They broke my hand, you can help me out
Head south, I falling out
They broke my bones, call the herbalist

Damn boy, I’m crumbling like
These barquillos under the atmosphere
Damn girl, I’m crumbling like
These biscuit rolls under the ATM…

 

Image taken from here.

“Fight Club” | Chapter III

trans2

Unbreakable

Isang train accident ang umpisa ng pelikula. Ang daming namatay at sugatan, pero himalang di man lang nasaktan o nagalusan si Bruce Willis. Sakto ang napili naming pelikula. Boring at mabagal ang usad ng kwento. Unbreakable ang title ng movie. Iilan lang ang kasabay naming nanonood. Sa madilim na sulok kami naupo ni Jenny. Buti na lang may baon siyang jacket. Ang lamig kasi ng aircon. Giniginaw pa rin siya kahit katabi niya ako. Tinanong niya ako kung nagpaalam daw ba ako sa amin. Sabi ko nag text lang ako na magkikita kami ng mga kabarkada ko noong high school at mag-iinuman kami. Tinanong ko siya kung crush niya ba talaga si Bruce Willis. Sabi niya nakakaantok ang pelikula. Humilig ka sa’kin, sabi ko. Ganoon nga ang ginawa niya.

Inayos ko jacket na nakakumot sa kanya. Hinawakan niya ang kamay ko. Hinalikan ko siya lips. Hinalikan ko ulit siya. Mas matagal. Tumugon siya sa halik ko. Nalasahan ko ang lipstick niya. Hinawakan ko siya sa hita, hinaplos-haplos. Pinigilan niya ang kamay ko. Tumingin siya sa unahan, sa screen. Dahil walang ibang tao sa may pwesto namin, di ko napigilan ang sarili. Hinalikan ko ulit siya. Pinasok ko ang kamay ko sa shirt niya. Di siya nagreact. Isinuot ko sa loob ng bra niya. Hinalikan ko siya sa may tenga. Tinanggal ko ang hook ng bra niya. Di siya tumutol. Tumigil kami nang may makitang mga bagong dating na tao sa baba. Di naman sila umakyat sa may pwesto namin. Naupo sila sa unahan, malayo sa’min. Isinuot ko ulit ang kamay ko sa shirt niya. Hinawakan ko siya sa tiyan. Tapos pababa, sa ibaba ng pusod. Tinanggal ko ang butones ng denim shorts niya. Inayos niya at ibinalik ang kawit ng bra niya. Dumako ang kamay ko ang ibabaw ng panties niya. Hinalikan niya ako sa pisngi. Maya-maya ay ipinasok ko na rin sa loob. Baka may tao, bulong niya. Itinuloy ko lang ang ginagawa ko. Lumalim ang paghinga niya. Itinakip niya ang jacket sa kamay ko. Kumapit siya sa braso ko. Uwi na tayo, sabi niya. Di na namin tinapos si Bruce Willis.

Tiniyak muna namin na wala talagang tao sa bahay bago kami tumuloy sa kwarto niya. Niyakap ko si Jenny at isinandal sa pinto—tulad ng sa mga pelikula. Napahagikhik kami ng tawa. Pinigilan ko siya at pinupog ng halik sa pisngi. Tumigil siya. Naglapat ang mga labi namin. Muling natunton ng kamay ko ang dibdib niya. Hinalikan ko siya sa leeg, sinipsip ang collarbones. Teka lang, tanggalin ko lang make-up ko. Sinundan ko siya sa banyo. Di niya isinara ang pinto. Hinubad niya ang T-shirt. Lumingon siya sa akin. Ngumiti.

Binuksan ang gripo. Naghilamos.

Tahimik ang gabi. Wala pang alas-otso. Ini-lock ko ang mga pinto ng bahay. Tinanong ko si Jenny kung ganito ba talaga katahamik dito pag gabi. Sabi niya madalas may nag-vi-videoke sa kapitbahay. O kaya naman may nagbi-bingo. Buti nga daw tahimik ngayon.

Sa second floor ang kwarto ni Jenny. Isang maliit na espasyo sa pagitan ng kwarto ng Tita Mely at ng mga pinsan niya. Umakyat na kami pagkatapos niya mag-toothbrush. Ako nag-toothpaste lang. Binuksan ko ang bintana. Inilipat ko sa may bintana ang electric fan para pumasok ang fresh air.

“Fight Club” | Chapter II

hypo

EsEm

Na-renew naman ang contract ni Jenny sa shopping center, limang buwan ulit. Dahil sa papalit-palit ang shift niya, naisip ni Jenny na magboard doon sa Tita Mely niya sa bayan, malapit lang sa trabaho niya. Nahihirapan kasi siya pag closing ang shift niya dahil madalang na ang sasakyan. Minsan, kailangan pang umarkila ng tricycle.

Apat na buwan nanirahan si Jenny sa Tita Mely niya. Iyon nga lang di na siya lagi nakakapag-abot ng pera sa kanila dahil nagbibigay din siya kay Tita Mely para sa gastos sa bahay—tubig, kuryente, pagkain. Ayaw rin sana tanggapin ng Tita Mely niya, pero ipinilit pa rin ito ni Jenny lalo na may mga anak din itong pinapaaral, isa sa college at tatlo sa high school.

Minsan nanood kami ni Jenny ng sine. Gusto sana niyang panoorin iyong isang sikat na Hollywood movie, pero dahil hindi kami umabot sa oras ng showing, dahil nag-extend pa siya dahil hindi pumasok iyong kasama niya, doon na lang kami sa Tagalog na pelikula pumasok. Huling Paghihintay yata title n’un, si Rica Peralejo ang bida. Sa malas namin hindi rin namin naumpisahan ang pelikula. Nagmamadali kasi kami bumili ng tiket at di ko napansin na huli na rin kami. Gayunpaman, napanood namin ng buo iyong ka-double. Original Sin, sina Antonio Banderas at Angelina Jolie naman ang bida.

– Ay, akala ko ba love story ito. Bold naman pala ito eh, bulong sa akin ni Jenny.

Tumingin lang ako at nginitian ko siya ng may panunukso. Ngumiti siya at parang namumula, tila napapahiya at nanonood siya ng ganitong pelikula.
Samantala tuloy ang mahabang bed scene sa big screen.

– Siguro ito talaga ang gusto mong panoorin ano, sabay kumapit siya sa braso ko at yumakap sa akin.
– Eh ikaw kaya pumili nito, sagot ko.
– Takip na lang ako ng mata.

Medyo mahaba rin ang pelikula, maraming nude scenes sina Angelina Jolie at Antonio Banderas. Napansin ko na hindi komportable si Jenny kaya sabi ko, umuwi na lang kami. Tapusin na daw namin at sayang din ang bayad at lamig ng aircon. Maya-maya naalala niya ang baon naming burger. Kaya kumain na lang kami habang nanonood. Pagkatapos, hinatid ko siya kina Tita Mely. At dahil last trip na at puno na ang jeep, sumabit na lang ako pauwi.

Dumalas ang pagkikita namin ni Jenny. Kung hindi kami nanonood ng sine o kumakain sa labas, dinadalaw ko siya kina Tita Mely. Pag wala naman ang Tita niya, doon kami sa maliit na kwarto niya, nag-uusap, nagkukulitan. Minsan, kumakain kami ng pizza. Minsan, ice cream o kung ano man ang uwi ni Jenny galing sa trabaho.

Dahil mas madalas kaming magkasama, mas nakilala ko siya. Mas marami rin akong nalaman tungkol sa pamilya nila. Dati akala ko mas nakakaluwag ang mga taga-Baranggay Punta kaysa sa mga tao sa amin. Akala ko mas malaki ang kita ng mga tao sa pagsasaka kaysa sa pangingisda. Swertehan kasi ang hanapbuhay sa dagat, minsan maraming huling isda, minsan wala, minsan pang ulam lang, madalas kasya lang sa isang araw ang pinagbentahan sa isda. Pero hindi rin daw sapat ang kinikita nila sa palayan. Madalas mura ang bentahan ng palay. Lugi din pag may damaraan na bagyo at nasasalanta ang mga pananim. Sabi ni Jenny kung may kumikita daw ng malaki sa pagsasaka, sila iyong may malalaking lupain. Iyong mga hekta-hektaryang lupa ang sinasaka. Hindi rin pala kina Jenny ang lupang tinataniman nila. Pag-aari daw ito ng matandang mayaman sa bayan at nagbibigay sila ng kaunting porsiyento tuwing anihan.

Nalaman ko rin na gusto pa sana ni Jenny pumasok sa college, kahit two or three-year course lang sana. Iyon daw pwede siyang matanggap sa posisyon na nasa office lang. Pwedeng HR assistant o kaya secretary sa office. Clerical works, mas gusto niya raw iyon kaysa magpigil ng ihi habang nakatayo at naghihintay sa counter. Noon niya rin lang narealized na mahirap ang trabaho sa mga shopping centers, sa mga malls. May pasok ka kahit ang iba ay bakasyon na. May pasok kahit Pasko at Bagong Taon. Ang ibang tao daw, naglilibang sa mall, samantalang siya, feeling niya nagtatrabaho pa rin at na-ii-stress kapag gumagala siya sa mall.

Gusto niya rin ng permanent na trabaho. May patakaran kasi sa pinapasukan niya na di siya pwede mag apply sa loob ng limang buwan matapos na siya ay ma-endo.

Minsan pagkatapos namin manood ng sine, tinanong niya rin ako kung anong plano ko sa buhay. Sabi ko kapag nakaluwas ako ng Maynila, hahanapin ko ang studio ng Viva Films. Ang makapasok dito at gumawa ng pelikula, iyon ang gusto. Tinitigan niya ako at sinipat-sipat sa mukha. Pwede kang goons sa pelikula, sabi niya. Sabi ko, di mo ako naiintindihan. May napanood kasi akong pelikula noon, tungkol sa buhay ni Jess Lapid Sr., tatay ni Jess Lapid Jr. (syempre) at tiyuhin ni Leon Guerrero. Si Lito Lapid pa nga ang gumanap. Dati pala siyang stuntman sa pelikula. Tapos naging extra, tapos naging bida na.

Sabi ko, ang saya siguro makipagbugbugan sa mga eksena. Tapos, sabi ko, andiyan iyong leading lady, sexy at maganda. Ang sabi naman ni Jenny, siguro daw iyong paggawa ng mga bed scenes talaga ang pakay ko. Ewan ko, paano nga kaya nila ginagawa iyong bed scenes na parang totoo? Totoo ba kayang naglalapat ang ano ng lalaki at ano ng babae sa mga eksenang ganoon? Ang swerte ng artista ‘no, ang dami nilang nakakahalikan.

Minsan nag-text si Jenny, pinapapunta ako sa bahay. Buti na lang half-day lang trabaho namin noon. Medyo kulimlim din kaya delikado magtrabaho sa 2nd floor.

– Lalabas na ako ng 2PM, samahan mo ako kina Tita. Wala ako kasama, nasa reunion sila.
– Ok. Pupunta na ko dyan.

Mga 2:45 ako dumating sa bahay ng tita niya. Nandoon pa si Roy, anak ng tita niya na kumukuha ng Computer Engineering. Pero aalis din daw ito, may lakad sila ng tropa niya, overnight. Naupo muna ako sa sala. May nakahain na pizza sa table. Lumabas si Jenny sa kwarto, nakashort-shorts at T-shirt. Di pa niya napapawi ang make-up at lipstick niya. Umupo siya sa karatig na upuan, dumampot ng isang slice.

– Uy, kain ka.
– Sige na nga, pero masarap sana kung may softdrinks.
– Ay, oo nga ‘no.
Teka, baka meron sa ref—pabulong niyang sabi.
– Kahit sana Mountain Dew.
Pero mamaya na lang, iyong “Mountain Dew.”
– Loko.

Maya-maya’y lumabas si Roy, nagpaalam, aalis na daw siya.

Kumuha ng tubig si Jenny. May dala siyang baso pagbalik niya. Umupo siya sa tabi ko. Naglagay ako ng hot sauce sa isang slice. Ibinigay ko sa kanya.

Ayoko ng hot sauce. Sa’yo na lang ‘yan. Ketchup lang sa’kin.

Binuksan ko ‘yon isang sachet ng ketchup at inabot ko sa kanya.

– Alam mo ba, malamang ma-endo na ako next month.
Sabi kasi, bihira daw ang na-rerenew ng second time, kasi baka daw masilip ng taga-Labor.

– Eh paano ‘yan? Anong plano.
– Susunod ako kay Ate Marie.
– Sa Pasay? May mapapasukan ka ba doon?
– Hmm, di ko pa alam.
Iba na nga lang pag-usapan natin. Nood tayo ng sine. Bruce Willis—di ba crush mo ‘yon?
– Oo crush ko ‘yon. Pero mas crush ko si Arnold Schwarzenegger. Ang laki kasi ng muscle niya, pagbiro kong sabi.
– Yikes, alam mo kadiri ‘yon. Ayoko noong sobrang laki ng katawan.
– O sige na, manood na lang tayo. Alam ko naman na crush mo si Bruce Willis eh, kasi kalbo na siya.
– Cute kaya niya.
– Oo, tsaka may isa ka pang crush, si Jason Statham.
– Sino naman ‘yon?
– Eh di ‘yong nasa Transporter! Tsaka kalbo na rin ‘yon.
– Uy, favorite ko rin ‘yon. Cute kaya. Ang galing kaya nya.
– At macho pa di ba?
– Oo, tigas siguro ng abs nun, sabi niya sabay ngiti.
Teka magbihis lang ako at alisin ko lang ‘to.
– Wag mo na alisin ‘yang make-up mo. Mamaya na lang, baka mahuli tayo.

 * * *

Image from Gusto Kita with All My Hypothalamus

“Fight Club” | Chapter I

a0dno2

Jerry Brasco

Lagi akong tinatanong ng mga tao, kung kilala ko ba si Jerry Brasco. Kung tulak daw ba ako. Isa daw ba akong pusher o gumagamit lang. Hindi ko sinasagot ang mga tanong, pero kilala ko si Jerry Brasco. Isa siyang sikat na dealer sa amin. At sa pagkakataong ito ay nasa harapan ko siya. Nasa harapan niya ako. At nakaupo ako at nakatali sa silya.

Alam mo ba kung magkano ang dinugas n’yo? Alam mo ba kung anong mangyayari pag napunta kina Ramos ang bag at ang pera?

Hindi ako sumagot. Hindi rin ako makakasagot, kung nais ko. Hawak hawak ni Jerry ang kalibre .45 at nakapasok ang barrel sa bunganga ko. Sa totoo lang hindi ko iniisip kung ano man ang sinasabi niya. Hindi ko rin iniisip kung mamamatay ba ako sa mga sandaling iyon. Ang sa’kin ay kung malinis ba ang barrel ng .45 niya. Nakasukbit iyon kanina sa baywang niya. Nakasuksok sa harapan ng pantalon niya. Ipinasok niya kaya ang barrel sa loob ng brief niya, o sa labas lang. Masikip naman ang maong na pantalon niya, mukhang di naman malalaglag ang baril kung sa pantalon lang ito nakasukbit. Di na kailangang ipasok pa sa brief, delikado rin kung biglang makaputok.

Sa dinami-dami ng tao, sa dinami-dami ng adik, ikaw pa. Ikaw pa ang tatraydor sa akin.
Sa dinami-dami ng pwedeng taluhin, ako pa? Hindi mo ba ako kilala?

Lalong ibinaon ni Jerry ang barrel, bumukol ang dulo nito sa pisngi ko. Nakatungo lang ako. Naisip ko na lasang dugo pala ang bakal. Malamig, malansa.

At sa dinami-dami ng putang-inang mga babae ‘yan, syota ko pa iiyotin mo!

Si Thea, hindi ko malilimutan kung paano ko unang nakilala si Althea. Umaga noon, mga bandang alas-7. Nagsasampay si Thea ng nilabhan sa roof top ng bahay nila. Naka-sleeveless na puti, walang bra. Nakashorts ng maiksi. Nakakasilaw ang puti ng hita niya na nasisinagan ng araw. Natanaw ko siya mula sa fourth floor ng bahay ng Tiyo Mauro ko na noon ay ginagawa pa lang namin. Sa fourth floor ako noon natulog, sa ibabaw ng mga tabla. Puro hollow blocks na dingding pa lang noon ang fourth floor, wala pang pinto wala pang bintana. Bagong gising ako at humihigop ng kape. Nakatulay ako sa may pintuan. Nakita ko si Thea na nagsasampay ng mga damit. Humakbang ako pauna para lalo ko siyang matitigan, pero dumulas ang paa ko at muntik nang mahulog at matuhog ng mga nakatayong rebars sa baba.

Bumagsak ang coffee mug sa sahig, nabasag. Napasigaw naman ako sa takot na ako ay mahulog. Ginamit ko ang ikatlong aral ng pagka-ninja ko at muling nabawi ang balanse. Muli kong tiningnan si Thea at saka ko lang napansin na nakita niya pala ako. Nakangiti siya. May sinabi siya pero di ko narinig. Parang ‘mag-ingat ka’ ang sabi niya. Kita ko kasi sa mukha niya na natatawa siya. Tapos bigla siyang yumuko at dumampot ng damit mula sa palanggana. Tumigil ang mundo at bumagal ang oras. Nairecord ko sa utak ko ang nakita at ni-replay ng slow-motion ilang ulit pagkatapos. Piniga niya ang damit at saka isinampay. Lumingon muli siya sa akin, bahagyang nakangiti pa rin bago tuluyang tumalikod at umalis.

Pero noong magkakilala na talaga kami ilang linggo ang lumipas at tinanong ko kung ano iyong sinabi niya, sabi niya ‘wag daw akong tatatanga-tanga’. Iyon daw ang sabi niya, akala ko pa naman concerned na agad siya sa akin.

Pero kung si Thea ang puno’t dulo ng lahat nang ito, hindi talaga siya ang dahilan kung bakit ako napunta dito. Hindi ako lumaki sa Maynila.

Dalawang taon na akong graduate ng high school noon. Dalawang taong nangangarap ng kung ano ba talagang dapat kong pangarapin. Sa madaling salita, wala. Walang trabaho, walang pangarap, walang gustong maabot. Pahirapan na ang makatapos ng high school, hindi dahil mahirap ang mag-aral kung hindi dahil mahirap maghanap ng pera, para may pamasahe at pambaon ka sa school araw-araw. Pahirapan na noong high school, sa college pa kaya. Kung walang bagsakan sa high school, sa college meron. Kung sa high school namin dati may na ki-kick-out dahil sa frat o sa marijuana, sa college may tinatawag silang drop out. At hindi pa tayo dumadako sa usapang tuition fee. At dalawang beses din sa isang taon ang enrollment.

Kaya ako, tumambay na lang. Isang desisyon na maluwag na tinanggap ng mga magulang ko. Kita ko rin ang hirap nila, makatapos lang ako ng high school. Na minsan nakukuha ko pang mag cutting classes, para makasama sa mga tropa.

Lalo kong naintindihan ang hirap nila noong pumasok ako sa construction, sa Tiyo Lucio, kapatid ni Mama, na karpintero at gumagawa ng mga malalaking bahay sa bayan. Damang-dama ko ang hirap nina Mama at Papa habang nagpapala ako ng buhangin at semento. Ang hirap pala talaga kumita ng pera lalo na kung ito ay para lang maaya kong lumabas si Jenny. Girlfriend ko si Jenny mula pa 4th year high school. Wala pang Grade 12 noon. Sa katabing baranggay namin nakatira sina Jenny, sa Baranggay Punta.

Maliit lang na babae si Jenny, balingkinitan. Noong 4th year ko lang siya napansin. Ang totoo, may chismis noon na crush daw ako ni Jenny. At dahil malungkot ako noon, nakipagkaibigan ako sa kanya. Napagtanto ko na maganda rin pala siya, lalo na pag nakangiti. Lalo siyang gumanda nang matuto siyang mag-ayos ng sarili at magdamit dalaga. Dress man, jeans o shorts at sando, bumabagay sa kanya. Pagkatapos ng high school, pumasok siya sa shopping center sa bayan bilang kahera. Natuto rin siyang mag lipstick at mag make-up, pero mas gusto ko pa rin iyong natural na ganda niya.

At dahil di naman ako makaipon lagi sa trabaho ko sa construction, kahit pangsine man lang, madalas si Jenny pa ang nag-aaya na lumabas kami. Nakakahiya man, pamasahe lang minsan ang gastos ko. Sabi ko na lang hayaan niya, pag nakuha ng Tiyo Lucio iyong malaking bahay na gagawin sa Pasay, makakapunta ako ng Maynila. Matagal na gawaan iyon. Makakaipon ako. At baka makahanap rin ng mas magaan na trabaho sa Maynila, kung saan mas maraming opurtunidad. Di tulad dito sa probinsiya, cashier at bagger lang ang babagsakan namin. At magtitiyaga ka sa kakarampot na sweldo sa mga shopping center. Tapos contractual ka pa.

Pero mabait talaga si Jenny. Sabi niya, OK lang tiyaga tiyaga lang daw. At least may kinikita daw siya para pantulong sa pamilya niya. May isa pang mas batang kapatid si Jenny na nasa elementary. Binibigyan niya daw lagi ito ng baon at tuwang-tuwa naman sa kanya. Nagbibigay din siya ng panggastos sa bahay nila. May maliit na lupang sakahan ang pamilya nina Jenny. Ang Papa at Kuya Boy niya ang nagtatanim at nag-aasikaso dito. Iyon nga lang may asawa’t anak na si Kuya Boy pero kasama pa rin nila sa bahay.

Karamihan sa mga taga-Baranggay Punta ay may sariling palayan. Noong bata pa kami naalala ko na lagi kong nakikita sina Jenny at ang Ate Marie niya na nagbibilad ng palay sa kalsada. Maraming taga sa amin ang may crush kay Marie. Tuwing panahon ng anihan magbibilad ng palay ang mga taga Punta. Minsan naging usap-usapan ng mga pedicab driver si Marie noong panahong nagdadalaga na ito. Bukod sa masaya at maamo ang mukha ni Marie, “malaking bulas” daw ito sabi ng matatanda. Hindi ko pa noon alam kung anong ibig nilang sabihin. Basta alam ko, iyong ibang mga pedicab driver sa amin, dali-daling bumabyahe, minsan kahit walang pasahero pag oras na maglilikom na ng binilad na palay sina Jenny. Swerte nila kung andun si Marie sa karsada pag daan nila. Natutuwa rin kina Jenny ang ibang mga matatanda sa amin. Minsan nakasakay ko si Aleng Onsing na tindera ng isda. Sabi niya mababait na mga bata daw itong sina Jenny, dahil kahit trabahong bukid ay tumutulong sila.

Bago naging kami ni Jenny, si Hazel ang #1 crush ko. Nasa 3rd year ako, 2nd year naman si Hazel noong naging girlfriend ko siya. Siya ang first girlfriend ko at “first” sa marami pang bagay. Kaso ang problema, pagpasok ko ng 4th year, ipinagpalit ako ni Hazel sa anak ng vice-mayor na may motor. Minsan nagpaalam sa akin si Hazel, may pupuntahan lang daw siya, tapos umangkas na siya dun sa mayabang na kupal na yun. Minsan iniisip ko pa rin si Hazel. Naaalala ko ang amoy ng pabango niya, ang hubog ng katawan niya, ang mabibilog na mga hita, ang… Asan na kaya siya ngayon?

Lampas isang taon na akong tambay noon, pa-extra-extra lang pag may nakokontrata na bahay ang Tiyo Lucio. Dahil pang-laborer lang ang skills ko, nawawalan na ako ng trabaho pag malapit na matapos ang bahay. Pumunta na ng Maynila si Hazel pagkatapos ng graduation. May balita na nakapasok siya bilang takilyera sa isang sinehan. Madalas daw ay pang LFS ang shift niya. Kaya maghahating-gabi na siya lagi kung umuwi. Nag-break na rin daw sila noong anak ni vice-mayor, na ex-vice-mayor na ngayon.

Chapter 11

Pagkalipas ng maraming taon, habang napapaligiran siya ng SWAT team na anumang oras ay handa siyang barilin, naalala ni Abelardo Eala iyong isang hapon na isinama siya ng tatay niya sa pinapasukan nitong Ice Plant. Noong panahong iyon, iilan pa lang ang may TV sa Barangay Pag-Asa. At tatlo lang ang may Betamax. Isa dito sina Aling Nimfa, nanay ng kaklase niyang si Lordie. Tuwing hapon ay nagpapalabas sila ng mga pelikulang Tagalog, mapa-action man, comedy o drama. Nagpapalabas din sila ng mga pelikulang english, karate, at bold. All ages admitted, piso lang ang bayad. Maliban na lang pag bold ang palabas, matatanda lang ang pinapapasok, pero pwede kang sumilip sa butas sa dingding nila. Bukod sa mga pelikula nina Robin Padilla (Bad Boy, Anak ni Baby Ama), Ronnie Rickets (Boy Recto, Patapon), at Jean Claude Van Damme (Kickboxer, Double Impact), may isang pelikula na naging matunog din dahil sa isang tagpo kung saan nakipaghalikan si Fernando Poe Jr. kay Nanette Medved. Isang Bala Ka Lang ang pamagat na naturang sine. Probinsyanong pulis ang ganap ni Pando, strikto, choosy at mataray naman na pulis si Nanette Medved. Si Zandro Zamora, isang corrupt na pulis na sangkot sa droga, samantalang rapist na pulitiko naman si Subas Herrero. May isang tagpo doon kung saan isinabit ni FPJ si Zandro Zamora sa isang malaking billboard ng Once Upon A Time In China. May suot siyang karatula na may nakasulat na “Pusher Ako.” Si Jet Li na siyang bida sa Once Upon A Time In China ay nagmistulang isang higanteng shaolin master sa billboard kung saan nakasabit si Zandro. Tulad ng lahat na movie billboard noon, hand-painted din ang billboard ni Jet Li. Ilang pintor kaya ang nagtrabaho para matapos ang ganoong kalaking billboard? Ilang oras kaya bago nila naipinta si Jet Li?

zandro

zandro3

Napanood din ni Abelardo at ng tatay niya ang mga naunang martial arts movies ni Jet Li, pero si FPJ talaga ang paborito ng erpats niya. Noong binata pa ito’y madalas mapanood niya si FPJ sa sine. Magmula sa mga Tagalog Westerns na pinagbibidahan nito hanggang sa Ang Panday: Ika-Apat na Yugto. Hindi na inabutan ni Abelardo ang Ang Panday at mga Tagalog Westerns. Noong mga panahong iyon, kadalasan ay pulis na ang ganap ni Pando sa mga pelikula. At buhat noong ginawa niya ang Dito sa Pitong Gatang ay lagi nang may kissing scene ang kanyang mga pelikula at pabata na nang pabata ang mga nagiging leading lady niya. Ilan lamang dito sina Dindi Gallardo, Ina Raymundo at maging si Ara Mina. (Siguro kung nabuhay pa siya ng matagal ay napasama rin pati sina Christine Reyes at Maria Ozawa.) Isa ang Isang Bala Ka Lang sa mga maituturing ni Abelardo na paborito niyang pelikula. May ilang ulit niya rin itong napanood sa Betamax. Pero di naglaon at nawala na ang hilig niya sa panonood ng pelikula. Maaga siyang natutong mamasukan, magtrabaho at dahil di rin nakapagtapos ng high school, kung anu-anong trabaho ang napasukan niya. Karpintero, kargador, pahinante hanggang naging isa siyang matador. At iyon ang trabaho niya hanggang sa pagkakataong ito.

“Isang lalake sa Pasay nag amok, nang hostage,” sabi sa headline ng balita. Parang isang scene lang ito sa pelikula ni FPJ o kaya ay ni Lito Lapid o Eddie Garcia. Hindi na nabanggit ang pangalan ni Abelardo sa balita. Di rin nabanggit na minsan pinangarap niyang maging si Pando sa tunay na buhay: matuwid, walang kinatatakutan, magaling sa baril at sa bakbabakan. Pero sa pagkakataong ito, hindi siya si Pando, hindi rin siya si Zandro Zamora. Wala ring magandang leading lady na katabi sa pagtulog. Isa lamang siyang pobreng matador na nanghostage ng isang tindera sa palengke na ngayon ay laman na balita sa TV at napapaligiran ng mga SWAT at mga pulis.

Pinatay ni Kelvin ang TV. Kung ano man ang hahantungan ng pangyayaring iyon sa buhay ni Abelardo ay wala na siyang pakialam. Hindi dahil wala siyang pakialam. Ano ba ang magagawa niya? Ano nga ba talaga ang importansiya ng nga ganitong balita? Kung hindi ka naman taga-Pasay at pupunta sa palengke, kung hindi mo naman kilala si Abelardo, anong silbi? Kung ganoon pa rin naman at tuloy ang pagtaas ng presyo ng krudo at ng pamasahe.

Hindi hilig ni Kelvin manood ng balita sa umaga. O sa kahit sa gabi. O kahit anong oras pa man. Kung di lang siya tinanghali ng gising kanina, ililipat niya pa sana sa Star Movies o kaya’y CinemaOne ang channel. Pero dahil wala na siyang oras, dumiretso na siya sa banyo at nangumpisal. Tapos naligo. Kumain siya ng pandesal na walang palaman habang nagsusuot ng pantalon. Himigop ng tinimplang 3n1 coffee pagkatapos magsuot ng t-shirt. Ngumunguya pa siya ng humarap sa salamin para magsuklay. Di na niya inubos ang kape, nagmumog sa lababo at umalis na.

Dumating si Kelvin sa S-Mart Mall, 6:58 sakto lang.

 

(Itutuloy…)

The Evening News

Gumagabi na. Kanina pa siya naghihintay. Naiinip, nasaan na kaya siya. Malamang naipit na naman sa trapik. Siguro nababagot na siya ngayon habang usad pagong ang sinasakyang van. Medyo naiinis siya sa sitwasyong ito. Marami ding oras ang nawawala sa kanilang dalawa dahil sa trapik. Tapos hindi naman siya bayad, e dalawang oras din iyon na walang overtime pay. Naisip niya tuloy ang mga babayadan niya sa buwang ito: bayad sa bahay, sa tubig, sa kuryente. Nagiipon din sila para sa future baby nila. Gusto na kasi nilang magka-baby. Kaso mukhang laging stressed at pagod sila sa trabaho. Naalala niya tuloy iyong nangyari noong isang gabi. Napangiti siya. Kung di lang siya na-assign doon, andito na sana siya sa tabi ko. Napakagatblabi siya. Kumapit nang mahigpit sa sofa. Aahh, matatapos din ito, sabi niya sa sarili.

be36d1ec9a8ad9702cade01497f6f2dd
ctto

Bumangon siya mula sa pagkakahiga sa sofa. Tumungo siya sa may TV binuhay ang bluetooth speaker. Binuksan ang bag na nasa center table, kinuha ang cellphone at nagpatugtog—“Weak”, isang hit song noong 90s mula sa RnB group na SWV. Pumasok siya sa kwarto. Mayamaya’y lumabas siya ng kwarto na may dalang towel at damit at dumiretso sa banyo. Bumalik siya sa may sala sa may salamin habang inaayos ang buhok. Isa isa niyang tinanggal ang butones ng blouse niya. Pumasok siya sa kwarto. Lumabas siya sa kwarto nang naka bra lang habang suot pa ang palda na suot niya kaninang umaga pagpasok sa trabaho. Dumiretso siya sa banyo isinara ang pinto.

Pagkalipas ng ilang minuto, lumabas siya ng banyo. Inilugay ang buhok at nagsuklay sa harap ng salamin. Sinilip niya ang wall clock bago tuluyang pumasok sa kwarto. Lumabas siya at pumunta sa kusina. Naghugas siya ng bigas, nagsaing. Binuksan niya ang ref kumuha ng malamig na tubig. Inilabas niya rin ang natirang menudo kaninang umaga. Kumuha siya ng baso at nagsalin ng tubig. Isinalang niya ang kawali. Ininit ang menudo.

Nagpawis at nabasa ang gilid ng baso. Uminom siya ng konti. Sobrang lamig. Dinagdagan niya ng hindi malamig galing sa blue container. Bahagya siyang humimig sa awit na tumutugtog sa kanyang cellphone habang hinahalu-halo ang ulam sa kawali. Uminom ulit siya. Naubos niya ang laman ng baso. Malapit na sa chorus ng kanta at umuusok na ang menudo sa kawali nang biglang tumunog ang cellphone–merong text message. Ini-off niya ang kalan at nagtungo sa sala, dinampot ang cellphone.

– Malapit na ako.
– Asan ka na ba? Sagot niya.
– Malapit na ako. Malapit na akong abutin ng dalawang oras dito. Hehehe.
Napangiti siya.
– Asan ka na? Bilisan mo. 😋
– Mga 30 minutes pa.
– Ingat. Wait kita.

Tuluyan na niyang itinigil ang pagpapatugtog. Inilapag niya ang cellphone sa mesa at hinagilap ang remote. Binuksan niya ang TV at naupo sa sofa. Naghanap siya ng mapapanood. Nagpalipat-lipat ng channel hanggang mapadaan sa isang Hollywood movie: Twilight: Breaking Dawn Part 2. Naalala niyang napanood na niya ito dati. Dalawang bagay lang ang naalala niya. Una, nasira nina Edward at Bella ang kama nila habang “nakahiga” sila dito.

Naalala niya tuloy ang ka-opisina niyang si Emmy. May kwento kasi ito noong minsan bumisita sila ng mga ka-opisina niya kina Emmy na nasira daw iyong kama nila. Sakto kasi na ilang buwan pa lang silang kasal noon ng mister niya. Nakantyawan tuloy si Emmy at tinawag itong Bella Swan.

Yung pangalawang naalala niya sa Breaking Dawn, e ang pangit ng baby nina Edward at Bella. Di niya mawari kung bakit pero may kakaiba sa hitsura nung baby. Pinalakas niya ang electric fan, inilipat sa number two. Nilipad ng hangin ang buhok niya. Pinaypay ng hangin ang mga mata niya. Bumigat ang mga talukap. Nakakaantok talaga itong Twilight. Nagpahikab. Inabot niya ang remote sa center table. Nilipat sa ibang channel, lumang Hollywood movie naman ang palabas. Tumunog ang cellphone. May bagong text message. Dinampot niya ang ulit remote control. Pinindot ang rewind button. Binasa ang text message.

– Pakibukas ng gate malapit na ako.

Naiwan niya na naman ang susi niya.
– Okay, bubuksan ko na.

Ibinaba niya ang remote sa sofa.

Nanonood ng TV ang dalawa; Eyewitness News ang palabas. Nakaupo sila sa sofa. Tumingin sa kanya ang lalaki. Pagdaka’y hinalikan siya nito sa labi. Gumanti naman siya ng halik. Naghinang ang kanilang mga labi. Hinayaan na nilang bukas ang TV, nagbabalita ang isang lalaking newscaster. Tuloy ang balita habang naghahalikan sila sa sofa, sa harap ng TV. Gumapang ang halik ng lalaki sa pisngi, sa tenga, sa leeg habang isa-isang tinatanggal ang butones ng blouse niya. Tinulangan niya itong tanggalin ang iba pang butones para mahubad ang damit niya. Muli siya nitong hinalikan sa lips, tapos sa leeg, tapos dumako sa ibabaw ng bra niya. Gumapang ang kamay nito sa likod niya, tinanggal ang kawit ng bra niya.

Dumako ang balita sa welga ng mga trabahador ng train sa Japan. Dahilan upang ma-stranded ang mga pasahero sa maraming lugar. Tuluyan nang nahubad ang bra niya. Nagkanda-utal-utal naman sa pagbabalita ang newscaster sa tumambad sa kanya—maputi, makinis, at medyo malaki—napalunok ito ng laway. Itinuloy pa rin nito ang pagbabalita. Tuloy naman ang lampungan ng dalawa. Hinawakan ng lalaki ang suso niya, hinaplos, hinalikan. Hindi na makapagpigil, tumigil sa pagbabalita ang news anchor at palihim na tinawag ang isang technician. Lumabas ang technician sa TV screen, napanganga ito sa nakita.

tkfm

Hinubad ng lalaki ang suot niyang pang-ibaba, naiwan ang white panties. Tinawag ng technician ang iba pang technicians at nagulat din sa kanilang nakita. Hinubad na rin ng lalaki ang panties niya. Hinalikan ulit siya nito sa lips, tapos sa leeg. Bumababa ang mga halik nito sa dibdib niya, sa nipples, sa tiyan, sa puson. Napapikit siya. Naramdaman ang labi nito sa may hita niya. Hmm… Ohh… Hmm… Tuloy-tuloy ang lalaki sa masuyong paghalik sa pagitan ng legs niya.

Di na nila namalayan na natigil na ang balita at di magkaintindihan ang news crew sa panonood sa kanila. Ahh… Ohh… Napapaliyad siya sa sarap habang naghihiyawan ang news crew sa loob ng TV. Napatigil ang lalaki sa ginagawa at lumingon sa TV na tila narinig nito ang hiyawan ng mga tao sa newsroom. Pero agad namang nakapag ayos ang newscaster at bumalik sa kanikanilang pwesto ang mga technician. Nagkunwari ang newscaster na itutuloy ang pagbabalita. Timighim muna ito bago muling nagsimula. Nagpatuloy ang dalawa. Muling naghalikan habang naghuhubo ng pants ang lalaki. Humiga ito sa sofa at umupo siya sa ibabaw nito. Muling natigil ang balita at bumalik sa TV screen ang mga technicians, naghihiyawan habang pinapanood ang dalawa. Maya-maya pa’y bumilis ang pagkilos ng babae sa ibabaw. Aahh… Aahh…

Nang biglang…

Nagvibrate ang cellphone sa ibabaw ng mesa. Tumutunog ang ringtone nito: Happy Marimba.

Napasinghap siya nang maramdaman ang cellphone na nagvivibrate sa ibabaw ng hita niya. Dinampot niya ang cellphone at sinagot.

– Uhm, hello?
– Hello, Hon, andito na ako sa gate.
– Kanina ka pa ba dyan? Napaidlip yata ako.
– Oo, kaya pala ring lang nang ring.
– Wait lang andiyan na ako.
– Ok, thanks.

Kinuha niya ang susi at binuksan ang gate. Pumasok ang lalaki at hinalikan siya nito sa pisngi. Pumasok sila sa bahay at naupo sa sofa. Ano yang pinapanood mo? Ewan ko, sagot niya. Inaninag nito ang ang title na nasa taas ng screen. The Kentucky Fried… Movie? Ay, sayang tapos na. Maganda ba. Kumunot ang noo ng babae. KFC ba ulam natin? Syempre, hindi, nakangiting sagot niya. Gutom ka na ba? Di ito sumagot, nakatingin lang sa TV screen, sa end credits. WOWOW channel pala ‘to. Tumayo siya at hinila ang kamay ng asawa. At nakangiti niyang sinabi na: Tara, kain na tayo. Tumayo ang lalaki at sumunod sa kanya.

At dumiretso sila sa kama, eherm, este sa lamesa pala.

 

The End.